Tuesday, July 8, 2008

Isang Umiibig

Ito ay para sa aking pinakamamahal... alam kong matagal ko na itong naisulat at naipabasa sa iyo, sana ay naalala mo pa. Gusto ko lang ibahagi ito lahat at maipaalam kung gaano kita kamahal.


Mula ng ikaw ay aking makilala,

Malungkot na buhay ko'y biglang nag iba,
Napalitan ang bawat lungkot ng saya.
Ang mga pagsubok ay aking kinakaya.

Sa bawat sandaling ika'y aking kasama,
Ibayong kasiyahan ang nadarama
ng aking pusong nagmamahal sayo sinta.
Ikaw lang ang mahal wala ng iba.

Kung ako'y maraming buhay aking sinta,
Isa-isa ko itong sa iyo'y itataya.
Ika'y hindi magdadalawang salita,
Sapagkat ako sa iyo'y isang pinagpala.

Pangarap na minimithi nating dalawa,
pinapanalanging matupad bawat isa
Nang ang ating buhay ay maging maligaya.
Sana'y maging matatag ating pagsasama.

Dumating man ang araw na tayo'y tumanda,
Pag-ibig ko'y nananatiling sariwa.
Iyan ang sa iyo'y aking isusumpa.
Sana sa aki'y ika'y may pagtitiwala.


- Phillip Zcesar Francisco


0 Reactions:

Share

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...