Friday, February 22, 2008

Culture Shock nga ba?

February 13, 2008 when I arrived at the Manila Domestic Airport, our flight was delayed and but still we were able to land safely...

Paglabas ko ay hinanap ko na si Tita ALice, sya ang susundo sa akin at nakita ko sya sa may waiting shed, patingin-tingin sa mga taong lumalabas sa may pinto. Tinawag ko sya at nilapitan, may mga bitbit syang cakes... Nagkabatian at kamustahan kami at umalis na papunta sa bahay nila… Paglabas namin ay may nagbanggaan motorcycle at van at natraffic tuloy… Nag-abang na kami ng taxi na masasakyan, pero ang mga driver eh nangongontrata na hindi naman dapat, ilang minuto ang nkalipas at nakasakay din kami papuntang Pasay, pagbaba, ay umakyat na kami sa overpass para sumakay ng MRT papuntang Cubao… Maraming tao ang aking nasasalubong, lahat ay nagmamadali, nakatungo ako at nakita ko ang mga basurang nagkalat sa bawat baitang ng hagdan, madumi, makalat ngunit ni isa man ay walang nag-abalang pansinin ito.. Nang mkarating sa taas ay pumila kaagad si Tita Alice para para bumili ng ticket at pagkatapos ay pumila ulit kami para makapasok, nauna kong isinalang ang card at kasunod ko si tita Alice, sa dami ng dala niya ay nahirapan syang isalang ito at bigla na lang may isang babae na biglang isinalang ang kanyang card at inunahan si tita sa pila... Ayun, nagkagulo na at nagtaasan ng boses at nagkasagutan sila... Hindi ako sanay na makakita o mkarinig nang mga taong nag-aaway at nagmumurahan lalo na at nasa pampublikong lugar... May mali din naman kasi ang babaeng iyon kaya nagalit si tita, alam na nyang may nauna sa kanya sumingit pa, ano na nga lang ba ang silbi ng pila kung magkakaganon lang?

Maraming tao pagkasakay namin sa MRT, siksikan... Unang sakay ko pa lang nun first time ika nga hahaha... Pagkalabas, Maraming tao ang nkakasalubong, nagmamadali at nakakabangga, ngunit ni isa man sa kanila ay walang nagsabi ng 'sorry' o paumanhin man lang... Pagkawalang respeto sa kapwa lalo na sa mas nakakatanda, polusyon, traffic, mga basurang nagkalat sa pampublikong lugar... Iilang oras pa lang akong nakarating dito sa Manila at ito na kaagad ang aking natunghayan... Ganito ba talaga dito? Magulo dito at hindi ko yata gugustuhing manirahan dito... Naisip ko tuloy ang Lugar na aking pinaglakhan, ibang-iba talaga, hinding-hindi ko ipagpapalit ang 'Davao' hahaha... Malinis ang tubig at naiinom ang tubig na galing sa gripo, wala masyadong polusyon at hindi masyadong ma-traffic. Sa kabilang banda may mga magaganda din naman akong nakita dito at baka sabihin ninyo na puro negatibo na lang ang aking nilalathala sa 'blog' kong ito... Maraming buildings, malawak at magaganda ang mga Malls, moderno na dito may MRT at LRT, magulo nga lang at mukhang wala ng gentleman sa panahon ngayon at kung meron man bihira na lang makita, sana ay may pagkakataon pa akong makakaita ng ganoong klaseng tao ngayon, kung meron pa man... hehehe...

Sa paglalakad namin sa daan ng Cubao, may mga naririnig akong nag-uusap.. nagmumura... nilingon ko ito at nakita ko ang isang bata na sampung taong gulang pa yata... mas nakakatanda pa sa kanya ang mga kausap niya... hhmm... ganito na ba ang mga kabataan dito? na-cuculture shock na ko dito hahaha.. HIndi nman ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako dito sa Manila, nakailang beses na rin ngunit sandali lang kaming nag-stay dito at hindi ko naranasan na magcommute kami nun, bahay, malls, restaurants at simbahan lang ang aming pinuntahan, kaya wala akong pagkakataong masaksihan ang mga nasaksihan ko ngayon...

Hanggang sa muli... =)

0 Reactions:

Share

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...