Showing posts with label Bob Ong Quotes. Show all posts
Showing posts with label Bob Ong Quotes. Show all posts

Tuesday, August 5, 2014

Bob Ong’s Original and Very Enlightening Quotes

Bob Ong’s Original and Very Enlightening Quotes:

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."- Hahaha Sabi naman ni Juan tamad, "Babalik at babalik parin ang elevator, kaya mas maganda na maghintay ka nalang"

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa." 

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.."


Inspiring diba? LOL...

Friday, May 15, 2009

Bob Ong Quotes

Heto nanaman ang mga Paborito ninyong Quotes ni Bob Ong na kinagigiliwan ng lahat (Here are your favorite Quotes by Bob Ong that everyone adored)…-tama ba ni akoang translation? LOL.


“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.”

“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

“Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.” 

Click for More Bob Ong Quotes and Kowts.




"Live life to the fullest"

Share

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...